Girls! Girls! :) - Manila

Sunday, 6 September 2015
No photo

Item details

City: Manila, Metro Manila
Offer type: For Free

Contacts

Contact name Mr. Yoso

Item description

Hi.

Tagal ko narin dito sa site na to.
Pero nasa kabilang category ako. First time ko lang mag post dito at nagbabakasakali.
Kung meron man, edi ok. Kung may seryoso, mas lalong ok! :)

Pero, uunahan na kita. Hindi ako gwapo.
Hindi ko masasabing straight ako dahil, nagkakagusto ako sa pareho.
21 years old. May kalusugan ang pangangatawan (so wala ngang abs!) at masayahin. Mapagmahal din. (weh, Haha!) oo nga!
Kung may tatanggap man na babae sa kin, mas tatanggapin din kita syempre.
Ayoko lang na niloloko ako at naglolokohan.

Para din tayong babalik sa pag aaral kase, I know kelangan nating pag-aralan pa at i-work out.
Handa akong sagutin lahat ng katanungan mo tungkol sa kin at sa pagkatao ko. Magkwekwento ako ng magkwekwento hangga't gusto mo.
Maging handa ka rin dahil, alam ko sa isang babae, maton ang hanap. At hindi ako ganun.

Hindi naman ako nagmamadali. Ikaw din sana...
Mas mabuti nang kilalanin din natin ang isat-isa.
Online lang to at iba sa personal, diba?

Ayun. Sana meron ditong tatanggapin ako kung ano ako bilang isang tao na ganito ang preference.
Sana may isang babae dito na hindi handang sumugal kundi tanggapin ng buo ang relasyong pwedeng mabuo.
Sana may isang babae dito na hindi puro libog ang inaatupag at hindi ibinibigay ang katawan sa iba.
Sana may isang babae dito na ... message ka lang. Bato ka lang ng kung anong gusto mong sabihin :)